YutoJP

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa

05/22/2026
0
Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa
Talaan ng Nilalaman
Priyoridad ng gobyerno ng Japan na paikliin ang proseso para makakuha ng Permanent Resident Visa ang mga may Highly Skilled Professional (HSP) Visa, bilang paraan para makahikayat ng mas maraming talento sa bansa.

Sa article na ito, ibabahagi ko ang buong journey ko sa pagkuha ng Permanent Resident Visa mula sa Highly Skilled Professional Visa. Ginawa ko itong detalyado at madaling intindihin para makatulong sa inyo.

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa

Basahin din ang iba pang articles tungkol sa Permanent Resident Visa:

Permanent Resident Visa gamit ang Highly Skilled Professional Visa route

Sa pangkalahatan, para makapag-apply ng Permanent Resident Visa sa Japan, kailangan mong manirahan doon nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 taon. Pero, may shortcut gamit ang Highly Skilled Professional Visa. Kung umabot ka sa 80 points para sa highly skilled professional sa loob ng nakalipas na isang taon, pwede ka nang mag-apply ng Permanent Resident Visa, at mas madali rin ang magiging evaluation.

Maaaring iniisip mo na kailangan mo munang makakuha ng Highly Skilled Professional Visa, pero hindi laging ganun, kung may regular visa ka ngayon ngunit umabot ka ng 80 points sa nakalipas na isang taon, maaari ka na agad mag-apply ng Permanent Resident Visa at laktawan na ang hakbang para sa Highly Skilled Professional Visa.

Para sa iba pang detalye tungkol sa Highly Skilled Professional Visa, basahin ang mga articles na ito:

Mga dokumentong kailangan ihanda para sa Permanent Resident Visa

Sobrang dami at komplikado ang mga dokumento na kailangan para sa Permanent Resident Visa, kaya magiging masyadong mahaba kung ilalagay ko lahat dito. Kaya naman, pinagsama-sama ko na lang lahat ng detalye kung paano asikasuhin ang mga requirements sa article na ito. Kasama dyan ang mga gabay kung paano ihanda ang mga dokumento, paano sagutan ang application form, at paano gumamit ng AI para magsulat ng letter of reason...at marami pang iba.

Mga kumpletong requirements para sa Permanent Resident Visa mula sa Highly Skilled Professional Visa

Pagpasa ng application sa Immigration Bureau

Matapos ihanda ang lahat ng dokumento, pumunta ako sa Immigration Bureau (nyukan) na nakakasakop sa aking tinitirhan para ipasa ang mga ito. Dahil sa Yokohama ako nakatira, pumunta ako sa Yokohama Immigration Branch na malapit lang sa Shin-Sugita Station (新杉田).

Kung sa Tokyo ka naman nakatira, mas maiging pumunta nang maaga dahil madalas sobrang daming tao doon. Pagdating doon ay kukuha ka pa ng number kaya medyo matagal at nakakapagod ang paghihintay.

Sa pagpasa mo ng application, iche-check ng staff kung kumpleto na ang lahat, at ibabalik sa'yo ang mga hindi na kailangang dokumento. Bibigyan ka nila ng isang slip na ganito, itago mo lang dahil andun ang application number mo. Tapos pwede ka nang umuwi.

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa



Tagal ng paghihintay ng resulta

Ayon sa Immigration Bureau, ang average na processing time ay 4 hanggang 6 na buwan. Subalit, depende pa rin ito sa sitwasyon ng iyong application at sa mismong branch ng immigration. Sa pagkakaalam ko, matagal talaga sa Tokyo, aabutin ng 1 taon hanggang halos 2 taon, habang sa Nagoya branch naman ay napakabilis, may alam akong kaso na pumasa at lumabas ang resulta sa wala pang 2 buwan.

Kapag may hininging additional documents

Pagkatapos mong magpasa ng application, ang tanging magagawa mo na lang ay... maghintay. May mga posibleng mangyari tulad ng mga sumusunod:
  • Makatanggap ng hagaki (postcard) mula sa Nyukan:
    • Ito na yung approved Visa: Pangarap nating lahat ito 😍😍😍
  • Makatanggap ng sulat o envelope mula sa Nyukan: May dalawang posibleng mangyari dito
    • Request para sa karagdagang dokumento: Kailangan pa ng Nyukan ng ibang papeles
    • Notice of rejection at ibabalik na ang application mo: Nakikiramay ako 😭😭😭
  • Meron ding pagkakataon na tatawag mismo ang Nyukan para magtanong
Sa kaso ko naman, saktong makalipas ang 4 na buwan, nakatanggap ako ng sulat mula sa Nyukan. Nakakakaba noong una dahil alam ko na dalawa lang ang ibig sabihin ng sulat na iyon: additional documents o kaya rejected 😂

At tama nga ang hinala ko, dahil 80 points lang ang Highly Skilled Professional application ko, malaki talaga ang chance na manghingi sila ng additional documents. Ganito ang itsura ng form na nagrerequest ng karagdagang dokumento:

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa


Madalas maikli lang ang deadline na binibigay nila para magpasa ng additional documents, kaya siguraduhin na mai-submit mo ito on time. Kung sakaling hindi aabot, dapat tumawag ka agad sa kanila para mag-abiso.

Dahil maingat ako, nag-print din ako ng A4 document na may listahan ng lahat ng additional documents na naibigay ko, pati na rin ang mga dokumento na hindi ko kayang i-submit.

追加資料.pdf
(249 KB)


Pagkatapos mong maihanda ang mga additional documents, bumalik ulit sa Immigration at isumite ang mga ito. Huwag kalimutang dalhin yung mismong request form mula sa Nyukan para ma-check nila ito agad pag nagpasa ka.

Pagkuha ng resulta

Nakatanggap ng Notice of Rejection at ibinalik ang application

Kung ma-reject ang iyong Permanent Resident Visa application, ibabalik ng Nyukan ang mga dokumento at ipapadala ito sa iyo personally. Kaya kapag wala ka sa bahay tapos pag-uwi mo nakita mo yung delivery notice mula sa post office na galing sa Immigration Bureau, nakikiramay ako, rejected ang application mo ☹️

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa



Nakatanggap ng approved result

Kapag approved ang Visa mo, makakatanggap ka ng hagaki na kagaya nito. Hindi ito iaabot sa'yo nang personal, ihuhulog lang ito ng kartero sa mailbox mo.

Sa likod ng hagaki nakasulat ang halaga ng revenue stamp na kailangan mong bilhin. Nung panahong isinulat ko ang article na ito (Disyembre 2025), ang halaga ng stamp para sa Permanent Resident Visa ay ₱3,800 (¥10,000 / 1 man).

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa
Hagaki para sa approved na Visa


Pagpunta sa Immigration para kunin ang bagong Visa

Kailangan mong ihanda ang mga sumusunod bago ka pumunta sa Immigration para kunin ang Visa mo
  • Yung hagaki na nag-abiso na approved ka
  • Passport
  • Residence Card (Zairyu Card)
  • Revenue Stamp
    • Tinatawag itong 収入印紙 (Shunyu Inshi), nabibili ito sa post office.
Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa


Maliban dyan, dapat mo ring dalhin yung papel na nakuha mo noong binigyan ka ng Highly Skilled Professional Visa. Dahil hindi na valid at hindi mo na magagamit iyon, ibabalik mo ito sa Nyukan. Kadalasan nakaipit lang ang papel na ito sa iyong passport.

Kaka-renew ko lang ng passport, kaya hindi ko na nadala yung luma kong passport noong nag-claim ako ng resulta. Tinanong ako ng staff sa Nyukan kung nasaan yung papel sa passport ko, sabi ko nasa bahay naiwan. Sabi ng Nyukan, pwede ko na itong itapon dahil wala na naman itong silbi.
Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa



Kapag tapos na ma-check ng staff ang impormasyon mo, idikit mo ang stamp sa papel na ibibigay nila at maghintay na tawagin ang number mo para sa result.

Dahil ang permanent resident card ay ipi-print sa mismong araw na pumunta ka, maaaring abutin ng medyo matagal-tagal bago makuha.

Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa


Buod ng timeline ng aking Permanent Resident Visa application

  • 18/07/2025: Pagpasa ng application
  • 19/11/2025: Nakatanggap ng request para magpasa ng additional documents
  • 26/11/2025: Pumunta sa Immigration para isumite ang mga additional documents
  • 11/12/2025: Nakatanggap ng hagaki na approved ang application
  • 12/12/2025: Pumunta sa Immigration para i-claim ang Visa
Ang kabuuang inabot mula noong nagpasa ako ng application hanggang makuha ko ang hagaki galing Yokohama branch ay eksaktong 4 na buwan at 3 linggo.

Pagkatapos mong makuha ang Permanent Resident Visa

Ang Permanent Residency ay isang matibay na status sa Japan at maraming benepisyo, pero tandaan na isa ka pa ring dayuhan na naninirahan sa Japan, kaya:
  • Ito ay isang residence card (Zairyu Card) tulad ng iba, subalit may validity itong 7 taon. Matapos ang 7 taon, kailangan mo itong ipa-renew sa Immigration, pero simple lang ang proseso tulad ng pag-renew ng driver's license at hindi na dadaan sa matinding screening.
  • Wala kang karapatang bumoto hindi tulad ng may Japanese citizenship.
  • Posible ka pa ring bawian ng permanent resident visa at ma-deport kung lumabag ka sa batas.
  • Kailangan mo pa ring kumuha ng Re-entry Permit (再入国許可) o Special Re-entry Permit (みなし再入国許可). Kung hindi, mawawalan ka ng permanent resident status at babalik ka na naman sa simula na sobrang nakakapagod asikasuhin.
  • Kailangan mo pa ring magbayad ng tax, nenkin (pension), at health insurance. Ang pag-withdraw ng inyong nenkin ay pwedeng maging rason para bawiin ang inyong permanent resident status.

Pabagu-bago ang Japan at mas naghihigpit na sila ngayon sa pag-approve ng permanent resident visa kaya mas mahirap na ito makuha. Good luck at sana makuha niyo agad ang resulta ng inyong permanent resident visa application.
 
Pagkuha ng Permanent Resident Visa pagkalipas lamang ng 1 taon mula sa 80-point Highly Skilled Professional Visa
Umaga ng Disyembre 12, 2025, Shin-Sugita Station, habang naghihintay ng bus papuntang Nyukan

Mga Kaugnay na Keyword

Kung kapaki-pakinabang ang artikulong ito, mangyaring ibahagi ito
Le Minh Thien Toan

May-akda:Yuto

Kumusta sa lahat. Ako ay isang IT engineer na nagtatrabaho sa Japan. Ginawa ko ang blog na ito upang magbahagi tungkol sa buhay at mga karanasan sa aking paglalakbay ng pag-aaral at trabaho.
Umaasa ako na makakatulong sa iyo ang artikulong ito.

Mga Komento

Walang komento
Mag-iwan ng Komento at Makatanggap ng Mga Abiso sa Mga Tugon

Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento

Mag-sign in